Benepisyo ng Service / Singil ng Remittance
(Pagdeposit sa Bank account(padala sa China at Philippines))(WESTERN UNION)(*3,*6,*7)
Makakapag padala na kayo sa account ng mga bangko na tie-up ng Western union sa loob ng China at Philippines.
Maraming pagpipilian na bangko para sa serbisyong "Deposito sa Bangko" sa Pilipinas katulad ng Banco de Oro (BDO), MetroBank, Bank of the Philippines Islands (BPI) at marami pang iba.
Para sa listahan ng tagatanggap na bangko, dito
* Kung nais idagdag ang receiver na nakaregister na sa " Cash Pick-up" para sa "pagpadala sa Bank account" Kinakailangan ng panibagong pagrehistro sa pagdagdag ng Receiver. Isusulat ang pangalan ng bangko, account number atbp.
* Ang maximum na halaga ay 500,000 Yen sa bawat remittance.
* Kapag magpapadala sa Pilipinas gamit ang "Deposito sa Bank Account". Sa oras ng pagpapadala ng customer sa itinakdang Receiving Bank Account. Ang tanging Bank Account number lang ang kinokumpirma. Ang Bank Name at Beneficiary Name ay hindi na kinokumpirma. Kaya kung magpapadala sa Deposito sa Bank Account sa Pilipinas. Ang receiving Bank Account Number ay napaka importante. Mangyaring tandaan sa oras ng pagpirma sa Application Form mag ingat sa pagrehistro ng Bank Account Number suriin ng maigi.
* Para sa bahaging remittance sa bangko, kung ang tatanggap na Bank Account ay Passbook Account maaaring hindi ito maiiproceso at ang pera ay ire-refund. Kung ang Receiving Bank Account ay ATM Account posibleng matanggap. Mangyaring suriin DITO ang mga required Bank.
* Ang Allied Banking Corporation (Allied Bank) at The Philippine National Bank (PNB) ay naging Merger Bank. Kapag ang destinasyon ay ang Old Allied Bank Account., ang pagkukuhanan ay hindi sa PNB, kundi kailangan piliin ang Allied Bank. Para sa detalye, makipag ugnay sa Branches kung saan ng Open ng Bank Account o kaya naman sa mismong Banko.
*Para sa magpapadala direkta sa Bank Account patungo sa China, ang account number ay dapat nagmumula sa numerong "62"na may habang "14" hanggang "19"(digit). Tandaan na ang account number ay ang mga numerong nakasulat sa atm card, hindi ang mga numero na nasa passbook.
*Para sa magpapadala sa China gamit ang "Deposito sa Bank Account", kung ang account ay itinakda ng unang pagkakataon sa pagtanggap ng remittance, kailangan na dumaan sa pamamaraan ng pagdeposito. Mangyari na ang nakarehistrong tagapagpadala ay tumawag sa China Hotline (Western Union), simula sa unang araw hanggang ika-3 araw na isinagawa ang remittance. Alamin DITO ang Tungkol sa Pamamaraan at mga Detalye .
Bilang karagdagan, may ilang banko na kahit dalawang beses pang nakapagpadala na sa nakarehistrong bank account sa pagtanggap ng remittance, ay kakailanganin pa ring magsagawa ng kumpirmasyon. Alamin ang mga Accredited Banks DITO.
*Tandaan na ang mga sumusunod na paghihigpit ay mula sa ipinatupad na mga alituntunin ng lokal na awtoridad ng China o ng Western Union.
(1) Ang buong halaga ng kada transaksyon ay 50,000 Chinese Yuan (CNY).
(2) Ang buong halaga ng bawat transaksyon sa isang araw ay 80,000 Chinese Yuan (CNY).
*Ang kabuuang halaga ng remittance para sa account ng iisang beneficiary, kabilang ang mga remittance na manggagaling sa ibang ahensya.
Mag-apply DITO para sa pagrehistro ng International Money Transfer Service o pagdagdag ng Beneficiary.
-
Anumang oras,Saan mang lugar ay maaari kang magpadala ng pera!
-
Abot kayang halaga na fees!
-
Makakapagpadala kayo sa Bank account ng mga Banko na tie-up ng Western Union sa loob ng China at Philippines.
-
Kahit malaki ang halaga na ipapadala safe ang padala ninyo dahil direct na sa bank account!
Anumang oras, Saan mang lugar , Maaari kang magpadala ng pera!(*1,*11)
Sa Seven Bank Internasyonal Remittance Service, kahit anong oras ay maaari kang magremit.
Kapag internet banking ng Seven Bank ang inyong gagamitin, kahit kailan at kahit saan ay maaari kang magremit. At kung walang malapit na bangko sa inyo, maaari ninyong gamitin ang mahigit 27,000 Seven Bank ATMs na matatagpuan sa lahat ng 7-11 sa loob ng bansa at sa mga istasyon ng tren, paliparan, at iba pa.
Abot kayang halaga na fees!(*10)
Sa Seven Bank International Money Transfer, ang fees ay risonable at walang mga hidden fees.
Remittance Amount | Fees | |
---|---|---|
PHILIPPINES | CHINA | |
1 Yen - 10,000 Yen | 400 Yen | 400 Yen |
10,001 Yen - 20,000 Yen | 790 Yen | 750 Yen |
20,001 Yen - 30,000 Yen | 990 Yen | 890 Yen |
30,001 Yen - 40,000 Yen | 1,250 Yen | |
40,001 Yen - 50,000 Yen | 1,400 Yen | |
50,001 Yen - 100,000 Yen | 1,650 Yen | 990 Yen |
100,001 Yen - 250,000 Yen | 1,850 Yen | |
250,001 Yen - 500,000 Yen | 2,000 Yen | |
500,001 Yen - 1,000,000 Yen |
Para sa Singil sa padala ng cash pick-up ay dito
- * Para sa paraan ng sa account, ang karagdagang bayad sa pagpapabalik ng padala ay 2,000 Yen.
(Ito ang halaga para sa isang kahilingan sa pagpapabalik. Nagkakaroon ng ganitong bayarin kahit sa mga sitwasyon na hindi naisagawa ang pagpapabalik ng padala.) - * Dapat isumite ng kustomer ang nakatakdang form ng Bangko para sa mga kahilingan sa pagpapabalik ng padala upang maisagawa ang pagpapabalik.
Sa pagsusumite sa nasabing form, maaaring atasan ng Bangko ang kustomer na isumite ang mga kaukulang dokumento ng Bangko para sa pagpapatunay ng pagkakakilanlan o magbigay ng guarantor.
Pakitandaan na maaaring may mga sitwasyon kung saan mangangailangan ang Bangko ng mahabang panahon sa pagpapasya kung tatanggapin ba o hindi ang isang kahilingan sa pagpapabalik at sa pag-abiso sa kustomer hinggil sa pasya nito. - * Kung naicredit sa maling account sa kadahilanan ang customer ay mali ang nairehistro na numero ng account account at kung hindi pumayag ang taga-tanggap , hindi maaaring maisagawa ang pagpapabalik. Tungkol sa Pagcredit sa halaga sa Bank account para sa Pilipinas, may mga pagkakakataon na hindi makontak ang nagmamay-ari ng account kung saan naisagawa ang pagcredit nasabing destinasyon sa kadahilanan tulad ng hindi pagkontak ng tagatanggap sa tatanggap na bangko at iba pa. Maaaring hindi maigawa ang pagpapabalik dahil sa pagtanggi ng Bangko ng Taga-tanggap o dahil sa anumang mga paghihigpit alinsunod sa mga batas at ordinansa ng nauugnay na bansa. Sa ganoong sitwasyon, hindi mananagot ang Bangko para sa anumang mga pinsala na mangyayari kaugnay nito.
Makakapag padala kayo sa account ng mga Bangko na katie-up ng Western union sa loob ng China at Philippines.
Maraming pagpipilian na bangko para sa serbisyong "Deposito sa Bangko" sa Pilipinas katulad ng Banco de Oro (BDO), MetroBank, Bank of the Philippines Islands (BPI) at marami pang iba.
Para sa listahan ng tagatanggap na bangko, dito
Mga araw kung kailan matatanggap ang padala pagkatapos iporseso ang padala China:Matatanggap 2 o 3 araw na bukas ang bangko Philippines:Matatanggap kaagad o sa susunod na araw na bukas ang banko(Ang araw na bukas ang bangko ay ibabase kung saang bangko ipinadala ang pera)
【Tungkol sa pag Deposito sa Bank Account patungo sa China】
Kapag magpapadala sa China gamit ang "Deposito sa Bank Account". Sa itinakdang Receiving Bank Account sa unang pagkakataon kailangan ng Payment Procedures. Sa araw ng pagpapadala hanggang sa loob ng 3 working days. Kinakailangan tumawag ang mismong beneficiary sa China Hotline (Western Union) Pakiusap * I-click dito para sa Procedure at Detalye.
Bilang karagdagan, para sa ilang bahagi ng pagtanggap sa Banko. Sa itinakdang Receiving Bank Account kahit dalawang beses nang nakapagpadala maaari kang tumawag para sa confirmation. Mangyaring suriin DITO ang mga required Bank.
Kahit malaki ang halaga na ipapadala safe ang padala ninyo dahil direct na sa bank account!
Convenient at Safe ang padala gamit ang Direct sa bank account, Kahit malaki ang halaga na ipapadala o pera na hindi gagamitin kaagad. Syempre,Magagamit pa din ang Cash pick up!
* Kahit pareho ang tatanggap ng pera 、at nais na gamitin ang "pick up" at "deposit sa bank account" kailangan pa rin iparegister ang receiver. Para sa pagdagdag ng receiver maaari gamitin ang Internet banking o kaya tumawag sa aming Contact Center.
"Pagcredit-sa account"
Kung ang Paraan ng Pag-kredit sa Account ay isasagawa sa Pillipinas, ang numero ng account lang ang suriin upang matiyak na tumutugma ito sa Bank Account ng Tagatanggap na itatakda ng customer, at wala nan mga hakbang na isasagawa upang matiyak na tumutugma ang may-ari ng account sa pangalan ng taga-tanggap. Dahil dito, kapag isasagawa ang Paraan ng Pagke-credit sa Account sa Pilipinas, importante na tiyaking tama ang numero ng Bank Account ng Taga-tanggap. Dahil ditto, hinihikayat na lubos na mag-inat sa pagrehistro sa impormasyon ng taga-tanggap.
- * Mangyaring i-verify ang bank account number ng iyong beneficiary sa screen ng ATM o na nasa Direct Banking Service (Online Banking).