Madalas na itanong
Para sa mga katanungan tungkol sa International Money Transfer Service tingnan lamang dito.
Paano mag-apply
Q Ano ang mga requirements sa pag gawa ng Seven Bank account at ng service para sa International Money Transfer Service?
A
[Mga customer na may Japanese citizenship]
Ang kinakailangan na requirements ay Valid ID na nakasulat ang bagong address at Original copy ng utility bill.
Para sa mga detalye tingnan lamang dito
[Mga customer na ibang bansa nasyonalidad]
Ang kinakailangan na requirements ay copy(back to back) ng Valid Residence Card na nakasulat ang bagong address at Original copy ng utility bill.
Para sa mga katanungan, tumawag lamang sa aming Contact Center.
Q Ano ang [MTCN]?
A
Ang [MTCN (Money Transfer Control Number)] kapag nag-transact ng International Money Transfer magkakaroon po tayo ng numero na katunayan na nagpadala kayo. At para matanggap ang padala kailangan pumunta sa remittance area, ibibigay niyo ito sa counter. Huwag niyo po ibigay ang numero sa ibang tao bukod sa taong pinadalhan niyo. Hindi po namin pananagutan kapag may nangyaring pinsala.
Q Pwede bang pagsabayin ang pag-apply ng Seven Bank Account at International Money Transfer Service?
A
Maaaring pagsabayin ang pag-apply ng Seven Bank Account at International Money Transfer Service. Para sa detalye, Dito
Q Paano mag-apply ng Seven bank International Money Transfer Service?
A
Kailangan magbukas ng Seven Bank Account at International Money Transfer Service.
Para sa detalye, Dito
Q Pag mag-apply ng International Money Transfer Service, ano ang mga requirements na kailangan i-sumite?
A
ID (Residence Card) at My Number.
- *May pagkakataon na hindi na kailangan ng ID. Para sa detalye, Dito
Q Pwede bang mag-apply directly sa ATM machine ng International Money Transfer Service?
A
Hindi maaaring mag-apply sa ATM machine. Kung nais makagamit ng International Money Transfer Service, kailangan munang mag-apply. Para sa detalye, Dito
Q Maaari bang malaman ang Standard Screening para sa International Money Transfer Service?
A
Pasensya na po, hindi namin maipapaliwanag ang tungkol sa Standard Screening.
Q Wala akong Seven Bank Account, pwede nang mag-rehistro ng tungkol sa service ng International Money Transfer?
A
Pasensya na po, kailangan po na magbukas ng account sa Seven Bank.
Q May mga kondisyon ba para magamit ang service?
A
- Mayroong Seven Bank card.
- 18 pataas ang edad sa pag-apply ng International Money Transfer
- Pasado sa Standard Screening ng Seven Bank
Q Gusto kong makapili ng Currency para sa Cash pick up ng International Money Transfer.
A
Makakapili lang ng Currency sa oras ng irerehistro ang Receiver. Para sa detalye paki kumpirma [Country at Currency].
Sa Philippines Money Transfer Service with BDO Unibank na mayroong Currency ay Philippine Peso lamang. Para sa detalye, Dito
Tungkol sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa
Q Anong klase ng serbisyo ang International Money Transfer Service?
A
Serbisyo ito ng pagpapadala ng pera mula sa Seven Bank account papunta sa tatanggap sa ibang bansa na nakarehistro na.
Kailangan mong mag-apply para magbukas ng Seven Bank account at International Money Transfer Service upang gamitin ito.
Q Gusto kong malaman ang send charge sa pagpapadala para sa paggamit ng International Money Transfer Service (Western Union).
Q Saan ko malalaman ang tungkol sa mga rate ng pagpapadala ng pera para sa International Money Transfer Service (Western Union)?
Q Paano ako magdadagdag (o magtatanggal) ng tatanggap ng international money transfer?
A
Sundan ang isa sa mga pamamaraan sa ibaba para magdagdag o magtanggal ng tatanggap. Kailangan mong paunang magrehistro ng tatanggap.
Paalala: Kailangan mong magparehistro para sa Direct Banking Service para gamitin ang mga pamamaraang (1) at (2). Pagrehistro sa Direct Banking Service DITO.
(1) Smartphone App
Mag-log in sa app ng international money transfer at magdagdag o magtanggal ng tatanggap mula sa menu ng [Additional Receiver]. I-download ang app ng International Money Transfer mula DITO.
(2) Direct Banking Service
Mag-log on sa Direct Banking Service at idagdag o alisin ang isang tatanggap mula sa menu ng [International Money Transfer]. Mag-log in sa app mula DITO.
(3) Contact Center
Kontakin ang Contact Center.
Q Nais mong malaman kung ang idinagdag na beneficiary ay nagtagumpay ang pagrehistro?
A
Ang inirehistrong beneficiary ay makikita sa screen ng ATM o Direct Banking Service (Online Banking).
Q Wala ng postcard na ipapadala tungkol sa "Information of Completed Registration of International Money Transfer Service", sa tuwing magrerehistro ng beneficiary.
A
Simula noong Nobyembre 18, 2018, ang pagpapadala ng postcard na "Information of Completed Registration of International Money Transfer" sa bawat pagrehistro ng beneficiary ay itinigil na. Alamin lamang ang inirehistrong pangalan sa ATM screen o Direct Banking Service (Online Banking) ng Seven Bank.
Dito sa paglogin ng Direct Banking Service.
Q Saan ko makikita ang International Money Transfer statement account?
A
①Maaari kang kumuha ng remittance statement ng walang bayad mula sa "Yearly Statement ng Padala"na nasa menu ng money transfer app. Ito ay maaari mo ring iprinta sa printer ng kanilang bahay , o sa printing service na nasa store ng Seven Eleven.
*Ang statement ng pagpapadala gamit ang Seven Bank International Money Transfer with Western Union ay maaaring gamitin simula sa ika-1 ng Enero, 2021.
②Paki check ang "International Money Transfer" menu sa Direct Banking Service.Maaari ninyo kumpirmahin ang iyong mga transaksyon tatlong buwan nakalipas. Para sa log on ng Direct Banking Service, dito
Sa paggamit ng ①②, kailangan magrehistro sa Direct Banking Service. Ang gabay ng Direct Banking Service (sa Ingles) na para sa "Register for First Time Users" ay mababasa dito at maaari din mag pa issue ng statement receipts.
【Kung nais magpa-issue ng statement bago mag ika-1ng Enero, 2021】
Ang issuance fee ng pang 1-taon na statement ay 1,100 yen (tax included).Tumawag lang sa Contact Center kung kinakailangan mag pa issue ng statement of account.
Q Puede ko bang icancel ang Seven Bank account and International Money Transfer Service.
Ano dapat ko gawin?
A
Tumawag lang sa aming Contact Center at kailangan ng pagproseso ng papel. Kapag ang Account ng customer ay na kansel, lahat ng serbisyo nagagamit ay ma kakansela.
Q Yung Rate para sa International Money Transfer saan pinagbabasehan?
A
Sa oras na ginawa ang pagpapadala naka base ang rate sa Seven bank. (Habang ginagawa ang transaksyon makikita ang rate sa screen ng ATM or sa Direct Banking) Pero depende sa bansa na pagkukuhaan ng pera ang rate. Para sa detalye ng iba`t ibang bansa. Para sa detalye, Dito
Q Gusto ko sanang magpadala simula ibang bansa sa Seven Bank Account. Maaari bang malaman ang Swift code?
A
Hindi maaaring makapagpadala sa Seven Bank simula sa ibang bansa.
Q Pwede bang "cash" ang ipadala sa ibang bansa?
A
Pasensya na po, hindi po kami tumatanggap ng cash. Kailangan i-deposito sa seven bank yung pera para maipadala sa International Money Transfer.
Q Ang pinadala ba na gamit ang International Money Transfer ay papasok sa Bank Account ng Receiver?
A
Kung nakarehistro na, maaaring magpadala sa Bank Account sa China at Philippines lamang maaari. Para sa detalye, Dito
Q Hanggang ilan ang pwedeng i-rehistrong papadalhan?
A
Hanggang 12 po ang pwedeng i-rehistro.
Q Pwede bang magpadala sa company name?
A
Pasensya na po, hindi po pwedeng magpadala sa company name.
Q Pwede po bang pakituro yung paraan kung paano malalaman yung numero ng padala (MTCN) sa Western Union?
A
Paki-verify po yung paraan na nasa baba.
- (1)Kapag nagpadala gamit ang Seven Bank ATM, sa oras na nakapag padala na paki-verify sa resibo. Para sa detalye, Dito
- (2)Kung nagpadala mula sa Direct Banking, pagka log-in sa Direct Banking Service i-check mula sa [International Money Transfer] at piliin ang [Money Transfer Statement]. Para sa detalye, Dito
Q Paano malalaman ang status ng remittance?
A
Sa webpage ng Western Union ay malalaman ang status ng remittance, alamin Dito.
Q Bakit kinakailangang tumawag sa China Hotline kapag may International Money Transfer para sa bangko ng bansang China?
A
Bago i-proseso ang Money Transfer para sa bangko ng bansang China, sa unang beses ng transaksyon kailangang tumawag sa China Hotline para sa pagkumpirma ng impormasyon ng tatanggap ng padala.
Q Paano papalitan o ayusin ang pangalan ng tatanggap?
A
Hindi maaaring palitan o ayusin ang nakarehistrong pangalan ng tatanggap. Kung nais baguhin ang detalye ng nasabing pangalan ng tatanggap, maaaring idagdag ang tamang impormasyon at burahin ang maling nakarehistrong impormasyon.
- *(1) at (2) kailangan magrehistro sa Direct Banking Service. Dito
- (1)Direct Banking Service
-
- Pagkatapos makapag log in sa Direct Banking Service sa Menu ng International Money Transfer maaaring magawa ang pagdadagdag at pagbura ng Receiver. Dito
- (2)Smart Phone Appli
-
- Pagkatapos makapag log-in sa International Money Transfer Appli, sa Menu mayroong [Add Receiver] maaaring magawa ang pagdadagdag at pagbura ng Receiver. Dito
- (3)Contact Center. Dito
Q Anong oras pwede tumawag sa China hotline? At anong salita ang ginagamit sa pagtawag?
A
Bukas ang China hotline araw-araw, mula 8am hanggang 8pm. Tumatanggap lamang ng tawag para sa salitang Chinese at English.
Paano magpadala ng pera
Q Gusto kong malaman ang mga paraan ng pagpapadala ng pera sa International Money Transfer Service (Western Union).
A
Para sa mga detalye ng mga paraan ng pagpapadala ng pera gamit ang International Money Transfer Service (Western Union), tingnan DITO.
Q Pwede ba ang International Money Transfer sa Seven Bank ATM?
A
Kung International Money Transfer Service (Western Union) ay maaring magamit sa pamamagitan ng Seven Bank ATM at Direct Banking Service.
Kung Philippine Money Transfer with BDO Unibank sa International Money Transfer Appli na Service ang gagamitin, hindi pwede ang ATM.
Para magamit ang service kailangan na mayroong Seven Bank card at International Money Transfer Service. Para sa detalye, Dito
Q Pwede bang tumanggap ng padala galing ng ibang bansa ang Seven Bank Account?
A
Pasensya na po, hindi po pwede tumanggap ng padala galing ng ibang bansa ang Seven Bank Account.
Tungkol sa limitasyon ng pagpapadala ng pera
Q May limit ba ang purpose of remittance kapag nag International Money Transfer?
A
Ang maaari lamang makapagpadala ay mga aprubado sa standard screening ng Seven Bank. May itinakdang layunin ng pagpapadala ang Seven Bank. Hindi maaaring tanggapin kung ang layunin ay tungkol sa pagbabayad sa import/export business, komersyo at iba pa. Gayundin hindi rin namin matatanggap ang mga International Money Transfer na hindi dumaan sa paunang permisyon, sertipikasyon, lisensya, rehistrasyon at iba pa base sa foreign commerce at foreign exchange law. Para sa detalye, Dito
Q Meron bang limit sa pagpapadala sa International Money Transfer?
A
Opo, meron pong limit.
- Sa isang beses, sa isang araw, sa isang buwan (Monthly mula 1 hanggang katapusan) 1million yen o 100 lapad
- Sa isang taon (Yearly January 1 hanggang December 31) 3 million yen o 300 lapad.
Depende sa bansa na pagpapadalhan ang limit na nababasa sa itaas. May pagkakataon mas maliit na halaga ang limit sa ibang bansa.
QAng mga transaksyon ba ng remittance ay pinaghihigpitan at posibleng itigil?
A
Ang Western Union ay nagtatag ng ilang mga paghihigpit, kaya maaaring itigil ang remittances. Upang kanselahin ang pagtigil na ito, maaari naming hilingin sa iyo na isumite ang kinakailangang impormasyon sa pagpapadala.
QAng pagpapadala ay hindi posible dahil sa mga dahilan ng pagsunod. Bakit?
A
Ang Western Union ay nagtatag ng ilang mga paghihigpit, kaya maaaring hindi posible na magpadala ng pera.
Paano tumanggap ng pera
Q Gaano katagal matatanggap ang ipinadalang pera pagkatapos sa transaction ng International Money Transfer?
A
("For Cash Pick-up" sa mga agent location)
Ang pera ay makukuha ng ilang minuto lamang.(*4)
Tandaan ang pera na ipinadala ay makukuha lamang sa buisness hours ng agent location.
("For Deposit into a bank account" para sa Philippines at China: batay sa mga regular na araw sa tanggapan ng banko)
Para sa Philippines: Matatanggap kaagad o sa susunod na araw na bukas ang banko.
Para sa China: Matatanggap sa araw na ipinadala ang pera o sa susunod araw na bukas ang banko
Ngunit, tandaan kapag bago palang ang pagpapadala sa banko ng China, kinakailangan ng processing procedure ng Seven Bank. Sa mga detalye, tingnan lamang dito.
Q Saan maaaring makuha ang padala sa International Money Transfer?
A
International Money Transfer Service (Western Union)
[Cash Pick-up] 200 countries at mahigit 500,000 branches ng Western Union maaaring makuha ang pinadala. para sa detalye Dito
[Bank Deposit] Sa tulong ng Service ng Western Union, maaari nang magpadala patungong Bank Account sa bansang China at Philippines.
Q Paano malalaman ang araw na bukas ang pagkukuhanan ng pera o ang banko para sa International Money Transfer?
A
Maaaring ikumpirma niyo po ito sa inyong receiver sa lugar na pagkukuhaan nila o ang tatanggap na banko.
Kung paano ang pagkansela o pagbabago ng transaksyon
Q Kapag napadala mo na ba ang padala mo pwede ba itong i-cancel?
A
Kung Cash pick up o Bank to bank na hindi pa nai-deposit sa Account, maaaring i-cancel. Para sa mga gustong magpa-cancel, tumawag lamang dito. Ang ibinayad na send charge ay hindi na maibabalik. Para sa detalye, Dito
Q Kapag naipadala mo na ang pera, pwede po bang palitan ang mga detalye?
A
Hindi na maaaring palitan ang mga detalye, kung gustong palitan kailangan i-cancel ang padala at ipadala ulit.
At iba pa
QAko ay nagpapadala sa ibang bansa o gumagamit ng International Money Transfer Service, kailangan ko bang ipasa ang My Number?
A
Ang mga customer na nag-sign up para sa International Money Transfer Service ay kinakailangang magparehistro ng kanilang indibidwal na numero alinsunod sa Batas sa Paggamit ng mga Numero upang Kilalanin ang Isang Espisipikong Indibidwal sa mga Administratibong Pamamaraan at ang Batas sa Pagsusumite ng Statement ng Wire Transfer sa Ibang Bansa para sa Layunin ng Pagtitiyak ng Wastong Pagbubuwis sa Loob ng Bansa.
Maaari mo nang i-submit ang My Number sa pamamagitan ng App, agapan ang pagpasa.
Dito para sa pag-download ng app.
Q Maaari bang i-submit ng My Number sa App?
A
I-submit ang My Number sa pamamagitan ng App.
- (1)I-download ang App
- (2)Litratuhan ang Residence Card at My Number.
- (3)Ilagay ang detalye ng account at ang pagsubmit ay kumpleto na.
Ang mga customer na nag-sign up para sa International Money Transfer Service ay kinakailangang magparehistro ng kanilang indibidwal na numero alinsunod sa Batas sa Paggamit ng mga Numero upang Kilalanin ang Isang Espisipikong Indibidwal sa mga Administratibong Pamamaraan at ang Batas sa Pagsusumite ng Statement ng Wire Transfer sa Ibang Bansa para sa Layunin ng Pagtitiyak ng Wastong Pagbubuwis sa Loob ng Bansa.
Dito para sa pag-download ng App.
Q Paano pangangalagaan ang mga dokumento na may kinalaman sa Individual Card Number?
A
Mayroon kaming isang mahigpit na sistema ng pamamahala para sa mga dokumento na may kaugnayan sa mga indibidwal na numero ng aming mga customer. Sinisira namin ang mga dokumentong ito nang naaangkop pagkatapos naming gamitin ang mga ito para sa nilalayon na layunin.
Q Anong uri ng card ang debit card?
A
Ang debit card ay card na pwedeng gamitin pambayad sa halip na cash.
Di tulad ng credit card, ang bayad sa Debit Card ay mababawas agad mula sa balance ng iyong account, para makapagbayad ka na parang cash ito.
Q Hindi ako makapag-log in sa International Money Transfer app.
A
Kailangan mong magparehistro para sa Direct Banking Service at mag-set ng logon password. Matapos ang pagrehistro para sa Direct Banking Service mula sa log-in screen, kailangan mong mag-set ng logon password mula sa Menu screen.
Kung hindi ka makapag-log in sa app matapos ito mai-set up, kontakin ang Contact Center.
Para sa paggawa at tanong tungkol sa International Money Transfer Service
Contact Center (Tagalog / Toll Free)
Oras ng tanggapan: Lunes hanggang Sabado 9:00~18:00
(Maliban sa Linggo, National Holidays at 12/31~1/3)