Service menu
- Philippine Serbisyong Money Transfer sa BDO Unibank
- Mga Katangian ng serbisyo/Remittance fee
- Paraan sa pagpapadala
- Customer Support
Mga madalas na katanungan
Basahin ang mga sumusunod kung may katanungan sa Remittance Service para sa Pilipinas(Mobile Remit sa Pinas).
Q Paano bang magpadala sa Remittance Service para sa Pilipinas(Mobile Remit sa Pinas).
A
Mag-open ng account sa Seven Bank at magrehistro ng may International Money Transfer Service para magamit ang serbisyo ng Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit sa Pinas)
- *Para sa mayroon ng Seven Bank International Money Transfer Service at nakagamit na ng WESTERN UNION, hindi na kailangan magrehistrong muli.
Kapag natapos na ang application para sa bank account, i-download ang app, pagtatakda ng application, at magrehistro sa Online Banking upang magamit ang Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit App).
Dito para sa paraan ng pagpapadala.
Q Ano ang kailangang ID kapag kukunin ang pera na ipinadala gamit ang Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit sa Pinas)?
A
Ang receiver ay kailangang magdala ng may litratong ID.
(Halimbawa: Driver's License, Passport etc.)
Q Gusto kong malaman ang paraan kung paano makukuha ang pera gamit ang Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit sa Pinas).
A
Kapag ang Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit sa Pinas) ang gamit sa pagpadala, maaring makapili kung saan nais makuha at Philippine Peso lang ang maaring matanggap. Magdala ng may litratong ID ang receiver. Kailangang isulat ang Reference Number sa Remittance Receipt Form. Kung Bank Deposit ang napili hindi na kailangang magdala pa ng may litratong ID at magsulat ng Remittance Receipt Form.
Q Pwede bang magpadala sa Seven Bank ATM?
A
Ang serbisyong Remittance Service para sa Pilipinas Mobile Remit sa Pinas), ay limited offer lang para sa International Money Transfer App.
Paalala na kapag ginamit ang Seven Bank ATM o Online Banking sa pagpapadala, ito ay maaari lamang matanggap sa Western Union ng beneficiary.
Q Saan ba malalaman ang exchange rate ng Remittance Service para sa Pilipinas(Mobile Remit sa Pinas)?
A
Pwedeng makita ang exchange rate sa screen oras na gumawa ng transaksyon sa BDO (BDO Unibank Menu) ng International Money Transfer app.
Ang exchange rate na itinalaga ng Seven Bank ang susundin na rate base sa oras na nagpadala.
- *Ang serbisyo ng BDO Unibank ay available lamang para sa Pilipinas at ang currency ay matatanggap sa Philippine peso.
Q Pwede bang magpadala kahit anong oras?
A
Ang serbisyo ay available 24-oras 365-araw, kahit sa anumang oras na nais na mag-remit umaga man o gabi.
- *Ang serbisyo ay maaaring hindi magamit sa panahon ng system maintenance.
Q Gusto kong malaman kung hanggang magkano ang maaring ipadala kung ang gamit ay Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit sa Pinas).
A
Nakasulat sa ibaba kung hanggang magkano ang maaring ipadala gamit ang Mobile Remit sa Pinas
Dalas ng Padala | Limit ng Padala |
---|---|
Isang beses | 500,000 yen |
Sa isang araw/ sa loob ng isang buwan (umpisa hanggang katapusan ng buwan) | 1,000,000 yen |
Buong taon (Enero1~Disyembre31) | 3,000,000 yen |
Depende sa piniling pagkukuhaan kung hanggang magkano ang maaring ipadala
Lugar Na Pagkukuhanan | Limit ng Padala |
---|---|
Sa lahat ng M lhuillier | 50,000 PHP |
Sa lahat ng Cebuana Lhuillier | 30,000 PHP |
Ngayong Ika-3 ng Agosto 2020
Q Gaano katagal bago matanggap ang remittance?
A
【Para sa CASH PICK-UP】
Ilang minuto lang tanggap agad ang padala.
- *May panahon na matatanggap lamang ang pera, ayon sa oras ng pagbukas ng cash pick-up agent location/ tanggapan.
【BANK TO BANK】
- ①Kapag idedeposito sa Banco De Oro (BDO Unibank)
Sa karaniwan maidedeposito kaagad sa bank account. -
- *May pagkakataon na dulot ng system maintenance ang perang ipinadala ay maaaring hindi matatanggap ng tamang oras.
- ②Kapag idedeposito sa ibang bank account ng Pilipinas
Sa karaniwan, maidedeposito sa bank account sa susunod na araw. -
- *Depende sa business hours ng financial institution/banko sa Pilipinas.
Q Pagkatapos ipadala ang pera maari bang may palitan o baguhin na mga detalye sa transaksyon?
A
Hindi na maaring baguhin ang mga detalye sa transaksyon
Q Saan ba makikita ang detalye ng transaksyon?
A
Maaari kang kumuha ng remittance statement ng walang bayad mula sa "Yearly Statement ng Padala"na nasa menu ng money transfer app. Ito ay maaari mo ring iprinta sa printer ng kanilang bahay , o sa printing service na nasa store ng Seven Eleven.
Ang Seven Bank ay maaaring mag issue ng transaction statement ng padala (fee para sa kopya ay 1,100YEN/kada taon)
Kung nais humingi ng kopya ng statement tumawag sa Contact Center.
- *Ang detalye ng remittance sa International Money Transfer Service with Western Union ay makikita sa paglipat ng screen. Ito ay magbabago , kapag pinindut ang screen ng Western Union tab na nasa top screen. Sa menu ng "Yearly Statement ng Padala"ay maaari nang makita ang detalye ng remittance pang 1-taon.
Q Paano ipakansela ang Seven Bank account o ang International Money Transfer Service?
A
May kailangang sulatan na dokumento sa pagkansela ng account. Tumawag sa Contact Center.
Kapag ikinansela ang account sa Seven Bank, ang lahat na serbisyo, pati na rin ang overseas remittance ay awtomatikong makakansela.
Para sa mga katanungan ukol sa International Money Transfer Service
- Contact Center (Tagalog / Toll Free)
- 0120-677-874
- Oras ng tanggapan: Lunes hanggang Sabado 9:00~18:00
(Maliban sa Linggo, National Holidays at 12/31~1/3)