SEVEN BANK Internasyonal Remittance ServiceInternasyonal Remittance Service

Makipag-ugnay

Service menu

Paraan sa pagtanggap ng remittance・Pick-up location

Matapos magpadala sa pamamagitan ng Remittance Service para sa Pilipinas (Mobile Remit sa Pinas). Matatanggap ng beneficiary ang perang ipinadala sa Peso. Para sa pagtanggap, magdala ng valid ID. Sulatan ang form sa pagtanggap at isulat ang reference number.

Kapag idineposito sa banko, hindi kailangan mag-fill up ng form sa pagtanggap.

Lista ng mga banko

STEP 1 Pumunta sa Cash Pick-up location

Dalhin ang reference number na ibinigay ng sender, pati ang ID na may photo at pumunta sa cash agent counter location.

Karaniwan na ang perang ipinadala ay makukuha lamang ayon sa lugar na kung saang agent location ito itinakda ng sender para matanggap ang pera.

STEP 2 Magsulat ng form sa pick-up agent counter para sa pagtanggap ng remittance

Pagpunta sa cash pick-up location, ihanda ang valid ID na may litrato, isulat sa form ang mga detalye sa pagtanggap, tulad ng reference number, pangalan ng sender at iba pa. Kapag nakumpleto nang sulatan ang form, ibigay ito sa counter staff.

STEP 3 Kumpleto na ang transaksyon sa pagtanggap ng remittance

Matatanggap ang remittance sa Philippine PESO ng cash.

Sa detalye ng transaksyon ng International Money Transfer App (BDO Unibank screen) makikita ang status ng remittance.

  • 1Ang perang padala pamamagitan ng serbisyong ito ay maaari lamang tanggapin sa mga Payment Center na matatagpuan sa Pilipinas sa oras at araw ng negosyo.
  • 2Ang perang padala ay ibibigay sa tagatanggap sa cash na PHP.
  • 3Ang perang matatanggap ay ang halagang nakalkula mula sa naipadalang Japanese yen na napalitan sa katumbas nitong PHP base sa nakatakdang foreign exchange rate ng Bangko nang tanggapin nito ang kahilingan na magpadala ng pera.
  • *Kahit na tinanggap na ng Bangko ang kahilingan na magpadala ng pera mula sa kustomer, maaaring hindi posibleng matanggap ang perang pinadala sa lahat o sa iilang mga Payment Centers na nasa Payout Country dahil sa mga limitasyon sa mga transaksyon ng alliance partner o ng angkop na Payment Center. Sa kasong ito, ang Bangko, sa maaabot na iyon, ay mapapalaya sa obligasyon nitong isagawa ang Money Transfer Transaction ayon sa mga kundisyong kinumpirma ng kustomer nang tanggapin ng Bangko ang Money Transfer Request o ang kahilingan nag magpadala ng pera.
  • *Upang matanggap ang perang padala, dapat maibigay ng tagatanggap ang reference number at iba mga detalye ng transaksyon, at tuparin ang anumang ibang hakbang na atas ng Payment Center (kasama rito ang pagpresenta at pagbigay ng mga dokumento at impormasyon na tinakdang hihingin ng Payment Center).

Pagrehistro sa Seven Bank International Money Transfer Service

  • *Upang makagamit ng Seven Bank International Money Transfer Service, kailangan mag-open ng account sa Seven Bank at mag-rehistro sa International Money Transfer Service.