Service menu
- Philippine Serbisyong Money Transfer sa BDO Unibank
- Mga Katangian ng serbisyo/Remittance fee
- Paraan sa pagpapadala
- Customer Support
International Money Transfer Service APP
①Paraan sa pagrehistro (for both services)(※13)
Sa app ay mas pinadali ang pag-open ng account , hindi na kailangan magpasa ng dokumento.
Ihanda ang mga sumusunod.
- *Habang kausap ang operator ay maaaring magparehistro gamit ang camera ng mobile phone para sa pag-open ng account (Ang kailangang oras sa application ay approx. 15 minuto).
Bago magparehistro ay ihanda muna ang mga sumusunod sa ibaba.
【Mga dokumentong kailangan ihanda sa pag-open ng account】
- Identification card (residence card para sa foreign nationals)
-
- *Ang kasalukuyang tirahan ay dapat na nakasulat sa id.
- My Number (My Number card o Residence Certificate * Dapat nakasulat ang numero ng My Number)
- Impormasyon ng tagatanggap(Buong Pangalan・Tirahan)
-
- *Kung bank to bank, ihanda ang detalye ng banko (pangalan ng banko, account number atbp.)
Para sa iba pang paraan sa pag-open ng account
I-download muna ang International Money Transfer App upang magamit ang serbisyong ito
-
I-download sa App Store
(IPHONE) -
I-download sa Play Store
(ANDROID)
Ang proseso sa pag-open ng account
Kapag nakumpleto na ang proseso sa application ng account, ang ATM card ay ide-deliver sa inirehistrong tirahan ng mahigit kumulang 2 linggo (Registered Mail)
Kapag may notice na natanggap galing sa post office, tawagan at ipa-deliver muli o kunin mismo sa post office.
②Paano i-set up ang international money transfer app at magparehistro para sa direktang serbisyo sa pagbabangko
Para magamit ang serbisyong ito, kailangan mong i-set up ang international money transfer app at magparehistro para simulang gamitin ang direktang serbisyo sa pagbabangko.
I-download ang international money transfer app at i-configure ang mga setting para sa paggamit ng app.Pagkatapos makumpleto ang mga setting ng paggamit, mangyaring magparehistro upang simulan ang paggamit ng Serbisyo ng Direktang Pagbabangko.
Madaling maunawaan na mga video para sa iba't ibang paraan ng pagset ng app
③Paraan sa pagpapadala (Mobile Remit sa Pinas)
Para magamit ang serbisyong ito, kailangang magrehistro sa Direct Banking Service (ONLINE BANKING).
- * Maaari kang magrehistro mula sa app pagkatapos i-download ang international money transfer app at i-set up ang paggamit ng app.