Kapaki -pakinabang na pag -andar
Ang exchange rate ay alam mo kaagad ora mismo!
Basta sa Pilipinas, magremit via mobile app.
- * Para lamang sa serbisyong "Mobile Remit sa 'Pinas with BDO Unibank" ang pagremit via App.
- * May takdang oras na hindi maaaring makapagpadala dulot ng system maintenance at iba pang dahilan.
Maaari kang kumuha ng remittance statement sa App.
- * Kailangan maglogin sa online banking (Direct Banking Service)
-
Ipasa ang My number sa papamagitan ng Money Transfer App.
Pumili ng paraan sa pagsubmit
* Sa pag-apply, kailangan ihanda ang Residence Card at anumang dokumento na may nakasulat na My Number.
-
Mas madaling magdagdag at magbura ng tatanggap ng pera.
* 3~5 working days ang proseso para makumpleto ang rehistrasyon.
* Kailangan maglogin sa online banking (Direct Banking Service)
-
Kayo ay susuportahan sa iba't ibang wika ng customer operator.
App Authentication
Binibigyang-daan ka ng serbisyong ito na gamitin ang Serbisyo ng Direct Banking nang mas ligtas.
Para sa mga customer na nag-set up ng app, ipapakilala ang pagpapatotoo ng app kapag gumagamit ng Direct Banking.
(Hindi mo kailangang ipasok ang numero ng kumpirmasyon)
- *Ang paggamit ng app authentication function ay libre.
Ang pagpapatotoo ng app para sa internasyonal na money transfer app ay isang serbisyo kapag gumagamit ng English na bersyon ng Direct Banking.
Kapag gumagamit ng Japanese na bersyon ng Direct Banking, mangyaring gamitin ang My Seven Bank app.
Registration settings para sa App
Kung gagamitin ang money transfer service para sa Pilipinas o ang app authentication function, kailangan i-configure ang mga settings ng paggamit ng app.
Ang mga setting ng app ay nangangailangan ng authentication sa ATM. Dalhin ang iyong cash card at smartphone sa pinakamalapit na Seven Bank ATM.
Paano i-set up ang paggamit ng ATM
-
STEP
-
STEP
-
STEP
-
STEP
Takeover settings
Isang device lang ang maaaring itakda para gamitin ang international money transfer app bawat account.
Kinakailangan ang mga takeover settinfgs sa mga sumusunod na item sa ibaba.
Upang kunin ang app, mangyaring
1. gawin muli ang mga setting ng paggamit ng app sa ATM (mga detalye dito), o
2. kunin sa pamamagitan ng pagpapatotoo sa telepono.
1. Gamitin muli ang app sa ATM
Magagamit mo ito sa pamamagitan ng pagtatakda muli ng paggamit sa isang bagong device.
Kailangan mong ipasok ang iyong cash card sa ATM at isagawa ang authentication procedure.
Kapag nakumpleto na ang mga setting sa bagong device, hindi ka na makakapag-log on gamit ang mga app na nakatakda na sa lumang device.
2. Magtransfer sa pamamagitan ng pag-verify gamit ang telepono
①I-on ang takeover settings mula sa lumang device
Siguraduhing naka-on ang takeover setting mula sa inyong lumang device bago magpatuloy sa next step.
②Ilagay ang impormasyon ng inyong bank account
Kakailanganin mong ilagay ang branch number, account number, at password. Mangyaring ihanda ang iyong ATM card.
- * Mag-clickdito kung nakalimutan mo o nag-expire na ang iyong PIN
- * Mangyaring kumpletuhin ang pamamaraan pagkatapos i-reset ang iyong PIN.
③Authentication sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono
Ang authentication ay matatanggap sa pamamagitan ng pagtawag sa teleponong pinarehistro sa Seven Bank.
- *Ang tawag ay awtomatikong madidiskonekta pagkatapos i-dial. (Para sa mga gumagamit ng iPhone, mangyaring pindutin ang cancel button.) Kung makukumpirma namin ang papasok na tawag mula sa nakarehistrong numero ng telepono, awtomatiko itong magpapatuloy sa susunod na screen.
- *Kung binago mo ang iyong rehistradong numero ng telepono, mangyaring sundin ang mga pamamaraan upang baguhin ang iyong nakarehistrong impormasyon mula sa Serbisyo ng Direct Banking bago ilipat. Maaari kang mag-log on nang direkta sa nauugnay na pahina dito.(Para sa mga gumagamit ng smartphone, mag-clickdito.)
- *Ang mga customer na ang setting ng notification ng numero ng telepono ay NAKA-OFF kapag tumatawag ay hindi magagamit ang serbisyong ito.
- *Kung hindi ka makapag-set up ng paglipat sa iyong lumang device/app, kakailanganin mong i-set up muli ang app sa ATM.
Ginagamit ng pagpapatotoo sa telepono ang papasok na pagpapatotoo ng Ostiaries,Inc
Ipinagbabawal na i-post ang numero ng telepono na ginamit para sa pagpapatunay sa SNS atbp.
④Pagset-up ng app passcode
Maglagay ng 4-digit passcode
Inirerekomendang kapaligiran/Mga Tuntunin ng paggamit
- SEVEN BANK Money Transfer
-
This is the Seven Bank official app. We support 9 languages:
Japanese, English, Tagalog, Chinese, Thai, Vietnamese, Indonesian, Portuguese, Spanish.
The exchange rate notification service is a push notification service where you will be notified when the set amount is reached.
Makikita sa chart function ang exchange rate ngayong araw, "nakalipas na 7 araw" "nakalipas na 30 araw", "nakalipas na 3 buwan"at "nakalipas na 1 taon. Maaari nang makumpara sa graph ang kilos ng palitan ng pera.
You can also learn step-by-step process for banking transactions such as International Money Transfer Service by watching our video tutorials.
In addition, you can easily search the payout locations (Pick-up location).
- ● Exchange rate notification
- ● CHART
- ● Video support
- ● Balance Inquiry
- ● Receiving areas
- ● Simulation
- ● Remittance Organizer
- ● Contact Center outbound call function
- ● Announcements alert notification service
- ● "Account application with Operator support" function
- ● "Add or delete receiver" function
- ● Submission ng My Number
- * All functions are displayed in 9 languages. Language can be selected.
- * Maaari nang makita ang mga nakaraang exchange rate mula 2015 ng Mayo.
Inirerekomendang OS version (sinusuportahang OS)
- For iOS iOS14.0 - 16.0
- For Android Android9.0 - 13.0
- * Depende sa kundisyon ng inyong device, maaaring hindi mo magagamit ang app kahit pa ito nasa inirekumendang OS version sa itaas.
- * Hindi maaaring i-upgrade o idownload muli ang International Money Transfer App sa mga devices na may iOS 12.0 o mas mababa at Android 6.0 o mas mababa.
Mga Tuntunin sa Paggamit ng "Seven Bank International Money Transfer Service App"
Inilalarawan ng mga Tuntunin sa Paggamit ng Seven Bank App "International Money Bank Transfer" ("TOU") ang mga kondisyon para sa paggamit ng mga kostumer ng Seven Bank App ("Ang Serbisyong Ito") na ipinagkakaloob ng Seven Bank, Ltd. ("Bangko") na gumagamit ng application na Seven Bank App "International Money Bank Transfer ("Ang App na Ito") na nai-download sa smartphone ng kostumer ("Device").
- Artikulo 1. Sakop ng TOU
- Kapag ginagamit ang serbisyong ito, mas binibigyan ng prayoridad ang mga bagay na nakalarawan sa TOU kaysa sa iba pang TOU na inilarawan ng Bangko ("Mga Tuntunin sa Paggamit at Iba pang Patakaran ng Bangko"), tulad ng mga Tuntunin at Kondisyon ng Seven Bank sa Pagbabangko. Kung walang mga espesyal na eksepsyon, nauukol rin ang mga bagay na nakalarawan sa mga Tuntunin sa Paggamit at Iba pang Patakaran sa Pagbabangko sa serbisyong ito, at nauukol ang mga Tuntunin sa Paggamit at Iba pang Patakaran para sa anumang mga bagay na hindi nakalarawan sa TOU.
- Artikulo 2. Mga Kahulugan
-
- 1. Ang "Direct Banking Service"ay serbisyo na nagpapahintulot sa "Seven Bank Account holder", gamit ang computer, smartphone at iba pang device sa paggawa ng mga transaksyon tulad ng pagtsek ng balanse, paggawa ng domestic transfer, atbp.
- 2.Impormasyon sa Pag-log in ay ang pangkalahatang salita para sa (i) log in ID at password na kinakailangan upang mag-log in sa Direct Banking Service.
- 3.App Passcode ay tumutukoy sa 4-digit na numero na pinipili at itinatakda ng gumagamit ng app na ito, at ginagamit upang patunayan ang gumagamit kapag nagla-log in sa app na ito.
- 4.Magmula dito ay tatawagin ang Direct Banking Service (kabilang dito ang, ngunit hindi limitado sa, balanse ng account at impormasyon ng kasaysayan ng paggamit ay tatawaging "Retrieval Information" magmula dito.)
- 5."Ang Seven Bank International Money Transfer Service" (na tinutukoy bilang "overseas remittance service") ay isang serbisyo na nagsasagawa ng remittance sa ibang bansa sa pamamagitan ng ATM at online banking.
- 6."Ang serbisyo ng remittance ng Seven Bank Philippines with BDO Unibank" (tinutukoy bilang "Mobile Remit sa Pinas") ay isang serbisyo para sa mga remittance sa ibang bansa sa Pilipinas gamit ang function ng smartphone application.
- 7.Ang "My Number" ay ang 12 digit na numero na nasa Resident Certificate ng mga residente sa Japan (Maging ng mga foreigners).
- 8.Sa ganitong kondisyon, kapag ang mga kataga gaya ng depinasyon sa mga internasyonal remittance service na tuntunin ay ginagamit, Maliban nalang kung ang pagpapalinawag nito sa konteksto ay iba ang kahulugan.Ay dapat magkaroon ng parehong kahulugan katulad ng depinasyon ng kahulagan sa overseas remittance service kondisyon.
- Artikulo 3. Mga Detalye ng Serbisyong Ito
-
Ang mga detalye ng serbisyong ito ay ang mga sumusunod na ibinibigay na gamit na ginagamit ng app na ito.
- 1.Ang layunin ng Remittance Rate ay para magbigay alam sa Rate.
Ang exchange rate at ang serbisyo ng International Money Transfer Service at Mobile Remit (overseas remittance) sa Pinas Service. ay ginagamit upang i-convert ang remittance funds para maging received funds sa pamamagitan ng Overseas Remittance Service. Ang exchange rate (o ang tinutukoy na bilang "Remittance Rate") ay kinailangang i-set ng customer ng maaga sa app na ito. Ang serbisyong ito ay nagpapadala ng push notification kapag narating ang set remittance rate. Sa karagdagan, kung gagamit ng exchange rate notification function, maaring basahin at sumang-ayon sa "Ang Kasunduan sa Serbisyo ng remittance rate push notification". - 2.Ang paggamit ng pamamahala ng remittance
Ang serbisyong ito ay para maiayos ang mga resibong inisyu ng Seven Bank ATM sa tuwing magpapadala sa ibang bansa. Subalit, kapag nais gamitin ang Remittance Organizer Function, kailangang sumang-ayon sa kasunduan ng paggamit. - 3.Ang tungkulin ng exchange rate chart display
Ay gamit nito ay bilang kumpirmahin ang remittance rate ng Overseas remittance service o ng Mobile Remit sa Pinas Service.
Sa paggamit ng Overseas Remittance Service o Mobile Remit sa Pinas Service, ang aktwal na transaksyon sa pagpapadala at ang exchange rate nito ay maaaring magbago o maiba sa oras. Mangyaring suriin mabuti bago gamitin ang aktwal na rate na makikita sa oras ng transaksyon. - 4.Ang tungkulin sa pagbibigay impormasyon.
Sa karagdagan sa ibat-ibang impormasyon galing sa aming kumpanya, ito ay Information browsing function tulad ng impormasyon sa administrasyon at impormasyon sa pagshopping. - 5.Ang tungkulin ng pagtawag sa Contact Center.
Ito ay tungkulin ng pagtawag sa aming Contact Center. - 6.Ang tungkulin ng Tutorial Video function
Ito ang mga video ng ibat't ibang paraan sa paggamit ng aming serbisyo. - 7.Ang tungkulin sa paghanap ng lokasyon sa pagtanggap
Ito ay gamit sa paghanap ng lokasyon sa pagtanggap ng padala sa ibat-ibang bansa sa Overseas Remittance Service at Mobile Remit sa Pinas. - 8.Ang paggamit ng log-on function
Ang gamit nito ay kung saan maaaring malaman ang balanse ng mga ordinary at time deposit, at ang halagang hindi pa nababayaran sa mga utang sa card ng kostumer ng Seven Bank Account sa pamamagitan ng pag-access sa Direct Banking Service. - 9.Ang tungkulin ng Pagrerehistro sa Direct Banking Service
Nagsisilbi ang gamit na ito para sa unang pagrerehistro ng logon ID, password, at mga iba pang bagay na tinukoy ng Bangko bilang kinakailangan upang gamitin ang Direct Banking Service. - 10.Ang paggamit ng Registration Function para sa Debit Service
Ang function na ito ay nagsisilbing daan upang ma-access ang Direct Banking Service gamit ang app mula sa pag-login. Ito ay magagamit upang maiproseso ang rehistrayon para sa Debit Service (pagpalit ng existing card para maging Debit Card). Upang magamit ang function na ito, kinakailangan na kumpletuhin ang nararapat na proseso sa pagbukas ng bank account at Direct Banking Service. Gayundin, kung ikaw ay nakapagrehistro na para sa Debit Service, ay hindi na kailangang magrehistro muli. Bilang karagdagan, kapag nagrehistro sa Debit Service ito ay may bukod na "Mga Tuntunin sa Paggamit ng Seven Bank Debit Service" na mangyaring kailangan ng pag sang-ayon. - 11."Additional at Deletion ng Beneficiary" Function
Ang function na ito ay nagsisilibing daan upang ma-access ang Direct Banking Service gamit ang App sa pagbura at pagdagdag ng beneficiary para sa overseas remittance. Upang magamit ang function na ito, kinakailangan na kumpletuhin ang nararapat na proseso sa pagbukas ng bank account at pagrehistro sa Direct Banking Service. - 12."Account Application na may Operator Support" Function
Artikulo no. 5. Ito ay ang function ng pagtawag sa Contact Center sa pagbukas ng account with overseas remittance service at debit service. Habang kausap ang operator sa pag-apply, kailangang litratuhan ang mga dokumento na nagpapatunay ng pagkakakilanlan ng aplikante, mga dokumento na may kinalaman sa my number at iba pa. Bilang karagdagan, sumang-ayon sa mga importanteng probisyon ukol sa mahahalagang bagay at Mga Regulasyon ng Seven Bank Account. - 13."Mobile Remit sa Pinas Service Function"
Ang application na ito ay upang makapagpadala ng pera sa Pilipinas sa pag-access ng Direct Banking Service sa pamamagitan ng paglogin. Mula sa aplikasyong ito. Upang magamit ang function na ito, kailangan na mayroon ng account with International Money Transfer Service at nakapagparehistro na sa Direct Banking Service. Sa karagdagan, kailangan na ang kostumer ay may sumasang-ayon sa "Mga Kondisyon para sa paggamit ng International Money Transfer Service " at na may bukod na kasunduan ng "Mga kondisyon sa paggamit ng Seven Bank Philippine Remittance Service with BDO Unibank)". - 14.Ang pagkumpirma ng transfer history ng Mobile Remit sa Pinas function
Ang application na ito, ay upang makapag-access sa Direct Service Banking sa pamamagitan ng pag-login. Mula sa app na ito ay may katangian na maaaring makumpirma ang iyong transaction history ng Mobile Remit sa Pinas(overseas remittance). Ang impormasyon na inilarawan sa form ay ang impormasyon sa oras na na-download ng customer ang data gamit ang function na ito. Bagamat na may posibilidad na mabago ito, dahil sa katayuan ng transaksyon sa remittance, kailangan mong kumpirmahin ang mga nilalaman sa iyong impormasyon pagkatapos mag-download ng data. - 15.Submission ng My Number
Sa mga gumagamit ng International Money Transfer Service at kapag ang My Number ay hindi pa naipasa, maaari nang magpasa gamit ang Seven Bank Money Transfer App. Sa pagpasa gamit ang function sa App ay kailangan litratuhan ang Identification Card (Residence Card) at My Number. - 16. App authentication function
Ito ay isang function na nagbibigay-daan sa iyong i-verify ang iyong pagkakakilanlan at ipinapakita ang kasaysayan nito kapag ginagamit ang Direct Banking Service.
- 1.Ang layunin ng Remittance Rate ay para magbigay alam sa Rate.
- Artikulo 4. Mga Paghihigpit sa paggamit ng log-in function
-
- 1.Para sa pagrehistro upang simulan ang paggamit ng app na ito, kakailanganin magtakda ng passcode ng app. Kung sinusuportahan ng iyong device ang fingerprint authentication, maaari mong gamitin ang fingerprint authentication sa halip na ang app passcode upang mag-log on sa app na ito.
- 2.Para sa kostumer na gagamit ng login function, debit service function, pagdagdag at pagbura receiver na function, Mobile Remit sa 'Pinas Service function at Money Transfer Organizer (Mga may kinalaman sa pag-login) ay kailangan ang pagsang-ayon sa mga sumusunod na tuntunin.
- (1)Kung magbago ang mga espesipikasyon ng data retrieval website, o hindi makuha ang retrieval information dahil sa pagpapatakbo sa sistema o sa katayuan ng paggamit ng kostumer, maaaring hindi magamit ito.
- (2)Pinoproseso at/o ine-edit ang impormasyong ipinapakita ng app batay sa retrieval information. Kung may mga pagdududa tungkol sa ipinapakitang impormasyon sa app o kung kailangang tingnan ang pinakabagong impormasyon, tingnan nang direkta ang impormasyon sa pamamagitan ng pag-access sa data retrieval website.
- (3)Dahil kinukuha ang retrieval information mula sa data retrieval website at ina-update kapag nag-log in ang kostumer sa app at kapag ina-update ng kostumer ang impormasyon sa app, maaaring iba ang impormasyong ipinapakita sa app kumpara sa pinakabagong impormasyon sa data retrieval website.
- (4)Bukod pa rito, mula sa sandaling mag-log in ang kostumer sa app o mag-update ng impormasyon, hanggang sa ma-update ang impormasyon, ipinapakita ng app ang impormasyon bago ang pag-update.
- (5)Kung hindi makapag-log on ang kostumer sa data retrieval website gamit ang impormasyon sa pag-log in na nakarehistro sa app dahil pinalitan ng kostumer ang impormasyon sa pag-log in ngunit hindi in-update ang impormasyong nakarehistro sa app o mga ganoong dahilan, hindi magagamit ng kostumer ang data retrieval website.
- 3. Dapat sumang-ayon ang mga customer sa mga sumusunod na paghihigpit kapag ginagamit ang app authentication function.
- (1) Ang Bangko ay hindi mananagot para sa anumang kawalan ng kakayahan na gamitin ang Direct Banking Service dahil sa mga operasyon ng customer na naiiba sa mga ipinapakita sa Direct Banking Service ng Bangko
- (2) Walang pananagutan ang Bangko kahit na hindi magamit ng customer ang app authetntication function at hindi magamit ang direktang serbisyo sa pagbabangko dahil sa malfunction ng smartphone ng customer.
- (3) Walang pananagutan ang Bangko kahit na hindi magamit ng customer ang app authentication function at ang direktang serbisyo sa paggamit ng bangko dahil sa hindi sapat na probisyon ng mga serbisyo ng mga carrier ng telekomunikasyon, atbp.
- (4) Maaaring gamitin ang app authentication function sa mga device na inirerekomenda ng Bangko gaya ng itinakda sa Artikulo 9, Talata 5. Sa ilalim ng mga sitwasyon kung saan hindi natutugunan ang mga kundisyong ito, hindi magagamit ng customer ang app authentication function at ginagamit ang Direct Banking Serviceo. Hindi responsibilidad ng Bangko kung ito ay imposible na gawin.
- Artikulo 5. Paggamit sa Serbisyong Ito
-
- 1.Upang magamit ang serbisyo ng bank account at serbisyong pagpadala ng pera sa ibang bansa (overseas remittance), ay kinakailangan ang hiwalay na pagrehistro.
- 2.Sa paggamit ng application na ito ay walang bayad. Gayunpaman, ikaw ay may pananagutan sa mga singil para sa komunikasyon na natamo kapag nagda-download o gumagamit ng application na ito, para sa overseas remittance service at ng Mobile Remit sa Pinas.
- 3.Sa unang pagkakataon na gagamitin ang app na ito, kailangang gawin ng kostumer ang sumusunod na proseso ng initial setup na nasa ibaba.
- (1)Pag-set up ng nais na wika ng kostumer
- (2)Pag-set up ng currency display
Pagkatapos ng setting, maaari ng simulan gamitin ang App sa wika na itinakda dito.
- 4. Upang magamit ang ilang mga function, ito ay kinakailangan upang irehistro ang impormasyon ng account sa application na ito. Kapag nagrerehistro ng impormasyon ng account, kakailanganin mong magbigay ng authentication code sa isang ATM. Kapag nag-isyu ng authentication code, mangyaring sundin ang screen display ng app na ito at ATM at iba pang mga operating procedure na inireseta ng Bangko.
- 5. Sa oras ng pagpaparehistro sa naunang talata, kukuha ang Bangko ng impormasyong nagpapakilala sa device na ginagamit ng customer at irehistro ito bilang device na ginamit ng customer para gamitin ang serbisyong ito.
- 6.Para magamit ang mga nilalaman, kailangan maglog-on sa Direct Banking Service.
- 7.Ang link na panlabas sa site na magmumula sa app na ito, ay ang site na nasa pamamahala at resposibilidad ng mga naka-link na kompanya, kung anumang pagkakamali sa nilalaman ng publikasyon o sa pagpapahayag nito, ang Seven Bank ay walang anumang pananagutan.
- 8.Para sa abiso sa paggamit ng aplikasyon na ito, may mga pagkakakataon na mapapadalahan ng push notification alintana kung may pahintulot man o kawalan nito.
- 9.Kung ang kustomer ay may pagsang-ayon sa application na ito, dito makakakuha ang kustomer ng impormasyon ng lokasyon,ang impormasyon ay magmumula sa kumpanya namin o kaya naman sa third party ng kumpanya.maaaring maghatid sa inyo ng mga advertisement.
Ngayon,yun mga nakakuha ng application na ito na ang impormasyon ay tungkol sa lokasyon ng mga customer, hindi kasama ang personal na impormasyon na maaring makilala ang customer. - 10.Ang mga serbisyo at transaksyong ipinagkakaloob ng Bangko, kabilang ang serbisyong ito, ay nasa wikang Hapon. Para maging mas madali para sa at matulungan ang mga kostumer, ipinapakita ang nilalaman sa mga ibang wika. Subalit, limitado ang nilalaman na ipinapakita sa mga ibang wika. Bukod pa rito, kung may anumang mga pagkakaiba sa naisalin na nilalaman, ang bersiyong Hapon ang masusunod at hindi ang naisalin na nilalaman.
- 11.Kung tatanggalin ng kostumer ang app ngunit gusto niyang gamitin ulit ito o palitan nila ang kanilang device, kailangang muling i-download ng kostumer ang app.
- 12.Bukod pa rito, kung hindi gumagana nang tama ang app, kailangan na tanggalin ng kostumer ang app at ito ay muling ipa-download.
- 13.Tandaan na kung tatanggalin ng kostumer ang app, kailangan ang initial setup, at hindi na maibabalik pa ang impormasyong naka-save sa app na ito bago ito tinanggal (kabilang dito ang, ngunit hindi limitado sa, impormasyon sa pag-logon, na-retrieve na impormasyon.
- Artikulo 6. Pangangasiwa sa Device
-
- 1.Responsibilidad ng kostumer na pangasiwaang mabuti ang device.
- 2.Kapag itinatakda ng kostumer ang app passcode, iwasang gamitin ang petsa ng kapanganakan, ang parehong numero nang paulit-ulit, ang numero ng telepono, o anumang iba pang password na madaling mahulaan ng ibang tao. Palitan rin ang passcode gamit ang mga prosesong inirerekomenda ng Bangko at ingatang mabuti ang device upang hindi malaman ng mga ibang tao ang passcode.
- 3. Magagamit lamang ang app sa isang device lamang.
- Artikulo 7 Paghandle ng mga pagbabago sa model ng device, atbp.
-
- 1. Kung binago ng customer ang mga device na ginamit para sa app na ito dahil sa pagbabago ng modelo atbp., kinakailangang gawin ang isa sa mga sumusunod na operasyon.
- (1) Kumpletuhin muli ang mga paunang setting gamit ang authentication code mula sa ATM sa iyong bagong device.
- (2) Sa iyong lumang device, ang app na ito ay dapat na nakatakda sa takeover o transfer mode
- 2. Pagkatapos ng operasyon sa (2) ng naunang talata, kung ang app ay na-download sa isang bagong device pagkatapos ng pagbabago ng modelo, at kung ang Bangko ay makumpirma na ito ay tumutugma sa numero ng telepono na naabisuhan sa Bangko (simula dito tinutukoy bilang "pagpapatotoo ng telepono") ) ay maaaring masimulan muli. Kung gagawin mo muli ang mga paunang setting, irerehistro ang bagong device bilang device na gagamitin mo, at hindi mo magagamit ang app na ito sa lumang device. Bilang karagdagan, kung binago ng customer ang impormasyon (numero ng telepono, address, trabaho, atbp.) na naisumite na, ang mga paunang setting ay hindi maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpapatunay ng telepono para sa isang tiyak na tagal ng panahon.
- 3. Kung muling i-install ang app na ito sa parehong device pagkatapos itong i-uninstall, kailangan mong pumalit bago i-uninstall. Kung i-uninstall mo ang app nang hindi itinatakda ito sa paglipat ng katayuan, maaari mong gamitin ang authentication code mula sa ATM upang kumpletuhin ang mga paunang setting nang hindi nagtatakda sa paglipat ng katayuan.
- 1. Kung binago ng customer ang mga device na ginamit para sa app na ito dahil sa pagbabago ng modelo atbp., kinakailangang gawin ang isa sa mga sumusunod na operasyon.
- Artikulo 8. Paghawak ng Impormasyon
- Angkop na hinahawakan ng Bangko ang impormasyon sa pag-log in, retrieval information, at iba pang impormasyong nauugnay sa mga kostumer batay sa Privacy Policy na makikita sa website ng Bangko.
- Artikulo 9. Mga Pagtatatwa
-
- 1.Hindi mananagot ang Bangko para sa anumang pinsala sa mga kostumer na dulot ng anumang pagkabigong ibigay o pagkaantala ng pagbibigay ng serbisyong ito dahil sa mga problema sa device, pagpapalit ng mga device, pag-initialize sa device, paggamit sa device kapag naka-off ang power o walang makuhang signal ang device, mga problema sa komunikasyon sa device at computer, at mga problema sa linya.
- 2.Hindi mananagot ang bangko para sa anumang pinsala sa mga kostumer na dulot ng o nauugnay sa pagkawala ng impormasyon na naka-save sa app o anumang pagkabigong ibigay o pagkaantala sa pagbibigay ng serbisyong ito dahil sa mga likas na sakuna, digmaan, terorismo o mga ganitong pangyayari na hindi kasalanan ng bangko, o mga hindi maiiwasang pangyayari, tulad ng mga hakbang na ginagawa ng mga publikong ahensiya, gaya ng korte.
- 3.Hindi mananagot ang Bangko para sa anumang mga pinsala na dulot ng mga pagkakasiwalat o pangingialam sa impormasyon sa pag-log in dulot ng pagkakaroon ng bug sa mga daanan ng komunikasyon, tulad ng mga publikong linya ng telepono, mga nakalaang linya ng telepono, at Internet o mga iba pang linya ng komunikasyon.
- 4.Hindi mananagot ang Bangko para sa anumang mga pinsala na dulot ng hindi awtorisadong paggamit ng app dahil sa pagkawala ng device, pagkakanakaw, o ganoong pangyayari at ang pagkakabasa ng ibang tao sa impormasyon ng account.
- 5.Inirerekomenda ang paggamit ng app na ito sa isang device na itinalaga ng Seven Bank (mula rito ay tinutukoy bilang "inirerekomendang device") na naka-post sa aming website. Hindi ginagarantiya ng device na inirerekomenda ng Bangko ang normal na operasyon ng App kapag ginamit ng customer ang App sa naturang device. Kahit na hindi na magagamit ang app na ito sa device na ginagamit ng customer dahil sa pagbabago sa device na inirerekomenda ng Bangko, hindi mananagot ang Bangko para sa anumang pinsalang natamo ng customer. Bilang karagdagan, hindi ito maaaring gamitin sa mga device na iligal na binago.
- 6.Hindi mananagot ang Bangko para sa anumang mga pinsala na dulot ng pagkabigong ibigay o pagkaantala ng pagbibigay ng serbisyong ito dahil sa hindi pag-download ng kostumer sa pinakabagong bersiyon ng app na ito sa device.
- 7.Mangyaring bigyang-pansin ang mga third party app na lalabas mula sa paggamit nito.
Para sa paggamit ng app na ito, pumunta sa app market mula sa aming website, at doon maaaring i-download ang app na ito.
Ang link na makikita sa website bar ng browser ay laging nagsisimula sa 「https://www.sevenbank.co.jp/」 - 8.Ang kumpanyng ito ay walang responsibilidad ukol sa kalugian ng mga customers sa paggamit ng application maliban na lamang kung ang kapabayaan ay bahagi ng aming kumpanya.
- Artikulo 10. Mga Karapatan sa Pag-aaring Intelektuwal
-
- 1.Ang mga karapatang ari na nauugnay sa app na ito at anumang iba pang mga karapatan sa pag-aaring intelektuwal ay pagmamay-ari ng Bangko.
- 2.Hindi maaaring paramihin, kopyahin, baguhin, itago, ipadala, palitan, o i-reverse engineer ng kostumer ang programa ng app at impormasyong nauugnay sa app.
- 3.Hindi maaaring magsagawa ang kostumer ng mga aksyon na nanghihimasok sa mga karapatan ng Bangko kaugnay sa app na ito o magsagawa ng anumang iba pang aksyon na maaaring manghimasok sa mga nasabing karapatan.
- Artikulo 11. Pagpapalit, Pagdaragdag, at Paghinto sa Serbisyong Ito
- Maaaring baguhin ng aming kumpanya ang nilalaman ng serbisyong ito (kabilang ang paghinto sa serbisyo mismo), tulad ng iba't ibang gamit nito, ang kalagayan o ganitong sitwasyon ng paggamit sa app na ito ay maaaring pansamantalang ihinto upang baguhin ang serbisyo. Sa dakong huli, kami ay walang pananagutan para sa pagkabagal o pagkahinto ng serbisyong ito na dulot ng pansamantalang suspensyon sa paggamit.
- Artikulo 12. Mga Pagbabago sa TOU na Ito
- Maaaring baguhin ng Bangko ang mga detalye ng TOU na ito. Sa ganitong sitwasyon, aabisuhan ng Bangko ang mga kostumer sa pagbabagong magaganap na itinakda ng Bangko.
Kung gagamitin ng kostumer ang serbisyong ito matapos mabago ang TOU, ipagpapalagay ng Bangko na sumasang-ayon ang kostumer sa mga pagbabago at ipapatupad ang nabagong TOU. - Artikulo 13. Umiiral na Batas at Hurisdiksyon
-
- 1.Ang TOU na ito at mga iba pang patakaran ay sakop ng mga batas ng Japan.
- 2.Ang Tokyo District Court ang may eksklusibong hurisdiksyon sa anumang demanda kaugnay ng TOU na ito at mga iba pang patakaran.
(Pebrero 2023 Sa kasalukuyan)
Abiso sa mga serbisyong mga Tuntunin at Kundisyon sa Exchange Rate
Mangyaring sumang-ayon sa mga sumusunod na Tuntunin at Kondisyon sa paggamit ng aming serbisyo sa pagpapadala ng abisong rate.
- Artikulo 1 Serbisyo sa Exchange Rate Push Notification
-
- 1.Ang serbisyo sa abiso ng rate (bilang "Mga Serbisyo" na tinatawag.) ay, pag gamit ng serbisyo sa application na hatid namin sa mga smartphones (bilang "Mga Serbisyo" na tinatawag), ang mga gumagamit ng serbisyong ito ay magtatalaga ng gustong ipadalang rate (bilang "Palitan o Rate" na tinatawag.), at pagnaabot ito sa nais na rate, ipapaalala ng push notification upang lumabas sa smartphone ang palitan na gustong makamit.
- 2.Ang palitan na ginagamit ng aming kumpanya, sa mamagitan ng Seven Bank Serbisyong pagpapadala sa ibang bansa, mula sa Japanese Yen ito ay magiging foreign exchange rate na itinakda ng kumpanya sa palitan ng foreign currency, at ang mga interest at iba pa ay kasama na dito.
- 3.Sa karaniwan, tatlong beses sa isang araw nababago o nagpapalit (Abril, 11, 2012 kasalukuyan) ang exchange rate, at ang rate na nais makamit sa inayos sa setting ay papaalalahanan kayo ng push notification.
Ang pagbagal ng push notification sa pagbabago ng palitan sa pera, sa kadahilanang sitwasyon ng komunikasyon at pagpapanatili ng sistema, at sa pamamagitan ng mga nangyayari sa kapaligiran, ang mga ito ay maaaring makaantala ng push notification na nais nyong matanggap. - 4.Ang pagpapadala ng pera sa akwal na transaksyon at ang palitan sa simulation ay maaaring magbago o maiba sa oras. Mangyaring suriin mabuti bago gamitin ang aktwal na transaksyon.
- Artikulo 2 Pagkawalang bisa ng kundisyon sa setting
- Ang mga setting na itinakda ng mga gumagamit ng serbisyong ito, tulad ng di-wastong paggana ng push notification sa tamang oras at tulad ng di pagtunog sa nais na rate o hindi umabot sa nais na rate, para sa inyong kaluguran, maaaring i-ayos o tignan sa setting upang magamit ito ng maayos.
- Artikulo 3 Pahayag ng Exemption Matters
-
- 1.Upang magamit ang serbisyong ito, hindi sagutin o pananagutan ng kumpanya ang anumang pagdehado ng mga gumagamit ng serbisyong aming inihahatid.
- 2.Ang serbisyong ito ay inilaan upang magbigay ng impormasyon, hindi sagutin ng kumpanya ang responsibilidad para sa mga resulta ng nasabing mga transaksyon sa aktwal ng mga gumagamit batay sa impormasyon na ipinapakita sa serbisyong ito.
- 3.Mahigpit na ipinagbabawal ang pagduplicate, pagtransfer, at pagbago ng naiulat mula sa kumpanya.
- Artikulo 4 Tungkol sa pagbibigay ng iba pang mga impormasyon
- Ang mga gumagamit ng serbisyong ito ay maaaring mapadalahan ng mga impormasyong bukod sa mga promos at iba pa.
- Artikulo 5 Pagbabago sa serbisyo, pagbago o pagbaliwala sa patakaran ng paggamit
- Maaaring walang abiso at pagsang-ayon sa mga gumagamit hinggil sa pagtigil ng mga serbisyo sa anumang oras, sa pagbabago ng nilalaman, pati na rin ang pagpapabago sa mga patakaran ng paggamit.
Mga Tuntunin at Kondisyon Serbisyo sa Pamamahala ng Pagpapadala ng Pera
Upang magamit ang app sa smartphone (o ang naturang serbisyo) sa paggamit ng serbisyo sa pamamahala ng pagpapadala, mangyaring sumang-ayon sa mga sumusunod na tuntunin.
- Artikulo 1 Serbisyo sa Pamamahala ng Pagpapadala ng Pera
-
- 1.Ang "Money Transfer Management Service" ay serbisyo upang mai-organize ng kostumer ang mga history ng transaksyon ng pagapapadala sa ibang bansa. Ang mga data ng mga padala sa ibang bansa na mula sa APP ay maaaring i-organize sa function na ito. Bagamat, hanggang sa Oktubre 17, 2021. Ang inisyu na resibo (tinukoy bilang "Resibo mula sa ATM") sa oras na gamit ang Seven Bank ATM at ang mga impormasyon ng transaksyon ng resibo na kinuhanan ng camera sa APP ay maaaring gamitin ang function ng pamamahala ng history ng transaksyon. Subalit, mula sa Oktubre 18, 2021, sa mga bagong download ng APP at para sa ida-download itong muli ay hindi na maaaring gamitin ang mga function ng pamamahala ng history ng pagapapadala sa ibang bansa, camera sa paglitatro ng resibo at ang mga rekord ng history.
- 2. Upang makita ang history ng mga transaksyon sa pagpapadala ng pera sa ibang bansa, kinakailangang mag-login sa APPlication upang makapag-access sa direct banking service para sa impormasyon nito. Bilang karagdagan, ang transaksyon ng pagpapadala sa ibang bansa gamit ang Mobile Remit sa 'Pinas (with BDO Unibank) at ang transaksyon ng pagpapadala sa ibang bansa gamit ang Western Union, ay hindi makikita ang mga transaksyon na magkasabay sa magkaibang serbisyo ng pagpapadala. Kung gumagamit ng parehong serbisyo, kailangang i-download ang data ng bawat serbisyo.
- 3. Ang data na na-import ay ang mga impormasyon ng transaksyon sa oras mismo ng nagpadala gamit ang Mobile Remit sa 'Pinas (with BDO Unibank). Sa kabilang banda, kapag gamit ang Seven Bank Money Transfer Service (Western Union) sa pagpapadala, ang data na mai-import ay ang mga transaksyon na ginawa ng isang araw na nakaraan. Dahil ang impormasyon sa pagapapadala ay maaaring magbago, depende sa katayuan ng mga transaksyon. Upang ito ay makumpirma, kailangan suriin ang mga nilalaman pagkatapos i-download ang mga data ng transaksyon..
- 4.Ang nilitratuhang resibo mula sa ATM ay maiiwan sa folder ng smartphone at ang mga nakasulat dito sa loob ng APPlication bilang rekord. Kapag ang kustomer ay nagpalit ng modelo ng smartphone, ang litrato na nakuhanan at nilalaman nito ay hindi maililipat pag nag-download muli ng APPlication sa bagong smartphone. Mangyaring isagawa ang backup sa iyong sarili. * Kung nais mong gamitin muli ang APP pagkatapos tanggalin ito, o kung binago mo ang modelo ng iyong aparato, kailangan mong i-download muli ang APP na ito. Ngunit pagkatapos ng Oktubre 18, 2021, kakailanganin mong i-download muli, ngunit ang mga resibo na nasa mobile transfer organizer ay hindi na magagamit.
- 5.Gamit ang kamera ngAPPlication, may posibilidad na hindi malinaw ang litrato ng resibo at ang impormasyon na nakuha mula sa litrato (dito tinutukoy na "nabasang impormasyon".) ay maaaring hindi tumugma sa nilalaman ng resibo. Pagkatapos maitala sa APPlication ang kasaysayan ng transaksyon sa paggamit ng international money transfer, mangyaring kumpirmahin kung tama ang nilalaman ng nabasang impormasyon, at kapag hindi wasto ang nakatalang impormasyon, mangyaring wastuhin po ito sa iyong sarili.
- Artikulo 2 Pahayag ng Exemption Matters
-
- 1.Sa paggamit ng serbisyong ito, hindi sagutin o pananagutan ng kumpanya ang anumang pagdehado na sanhi ng hindi pagtugma ng nabasang impormasyon at resibo ng ATM.
- 2.Mangyaring sumangguni sa karampatang tanggapan ng buwis kung tatanggapin ang larawan ng resibo ng ATM na naka-save gamit ang serbisyong ito, bilang dokyumento ng remittance para sa exemption ng mga kamag-anak na dependent na nakatira sa ibang bansa. Hindi sagutin o pananagutan ng kumpanya ang epektibo ng mga dokyumento ng remittance.
- 3.Ang resibo ng ATM ay, naglalaman ng impormasyon gaya ng MTCN (Money Transfer Control Number) na kailangan sa pagtanggap ng remittance. Para hindi mapunta sa third party ang MTCN, mangyaring ingatan ang litrato ng resibo ng ATM sa iyong sarili sa pamamagitan ng mahigpit na pamamahala nito. Hindi sagutin o pananagutan ng kumpanya ang anumang pagdehado na sanhi ng pamamahala ng larawan ng resibo ng ATM.
- Artikulo 3 Pagbabago at Pagwawakas ng aming mga serbisyo, at Pagbabago ng nasabing tuntunin at kondisyon
- Ang aming kumpanya ay maaaring baguhin ang mga sumusunod sa anumang oras kahit walang kaukulang abiso at pagsang-ayon ng mga kustomer. Maaari naming suspendihin o itigil ang aming serbisyo, at maaari naming palitan ang nilalaman ng aming serbisyo, at maaari naming baguhin ang nilalaman ng nasabing tuntunin at kondisyon.
SEVEN BANK Money Transfer
- * Ang Apple, Apple logo, iPhone ay mga trademark ng Apple Inc. sa Estados Unidos o ng mga ibang bansa at rehiyon.
- * Ang trademark ng iPhone ay ginagamit sa ilalim ng lisensya ng Aiphone Co., Ltd.
- * Ang App Store ay isang service mark ng Apple Inc.
- * Ang IOS ay isang trademark o rehistradong trademark na nasa ilalim ng lisensya ng Cisco sa Estados Unidos at iba pang mga bansa.
- * Ang Android, Google Play at ng may logo ng Google Play ay mga trademark ng Google LLC.
- * Ang lahat ng nakadisplay sa screen ay mga larawan lamang. Maaaring magbago ang mga ito na walang abiso.
- ◇ Para sa mga ibang detalye tingnan lamang ang pamahayag ng Tungkol sa Produkto(Philippine Serbisyong Money Transfer sa BDO Unibank)