3 different ways sa pag-open ng account na may serbisyong overseas remittance

    Kumpletuhin ang application gamit ang App.

    Delivery period ng ATM card:2 linggo

    Hanggang sa makumpleto ang pagrehistro1 linggo.

    Ang application ay pwede gawin sa online lang.

    Ipapadala sa inyong bahay ang application form.

    Delivery period ng ATM card:2 linggo

    Hanggang sa makumpleto ang pagrehistro2 linggo.

Apply via Seven Bank mobile app

Mag-open ng account gamit ang App na hindi kailangan pang magpadala ng dokumento at ng hanko!
Maaaring ipasa ang My Number sa App.
* Maaari din mag-apply habang kausap ang Tagalog Operator.

Mag-open ng account gamit ang App na hindi kailangan pang magpadala ng dokumento at ng hanko!
Mag-open ng account habang kausap ang operator.

Paano mag-open ng account

  1. STEP

    I-download ang International Money Transfer App.

  2. STEP

    Litratuhan ang mga requirements, ID at My Number.

    Ihanda ang Residence Card at My number.

  3. STEP

    Ilagay ang iyong personal na detalye at ng beneficiary.

    Pindutin ang "New Account" sa mobile app at tumawag sa free dial ng Contact Center.

  4. STEP

    Pagkatapos, ang ATM card ay ipapadala sa inyong bahay sa loob ng 2 linggo.

    Litratuhan ang requirements, ibigay sa operator ang kailangang detalye at ang application ay kumpleto agad!

* Tumawag sa Contact Center gamit ang Money Transfer App para sa anumang suporta.

SEVEN BANK Money Transfer

Araw at oras sa pag-apply:
Oras ng tanggapan: Lunes hanggang Sabado 9:00~18:00
(Maliban sa Linggo, National Holidays at 12/31~1/3)

Apply via website*11

Ito ay inirerekomenda sa nais mag-apply ng ayon sa gusto mong oras.

Paano mag-open ng account

  1. STEP

    Litratuhan ang mga requirements, ID at My Number.
    Narito ang mga tip sa pagkuha ng larawan ng ID.

  2. STEP

    Ilagay ang iyong personal na detalye at ng beneficiary.

  3. STEP

    Pagkatapos, ang ATM card ay ipapadala sa inyong bahay sa loob ng 2 linggo.

  • * Hindi maaaring mag-apply ng account kung wala pang mahigit na 6 na buwan na nakatira sa Japan.
  • * Ang pagbili at pagbebenta/paglilipat ng account ay isang krimen. Huwag kailanman gawin ito. Ang batas ay nagpapataw ng pagkakulong at multa.
  1. STEP

    Mag-login sa Direct Banking Service.

  2. STEP

    Isulat ang kumpletong personal na detalye.

  3. STEP

    Ipapadala sa inyong bahay ang application form.

  4. STEP

    Ibalik sa aming tanggapan na magkasama ang application form at ang mga hinihinging dokumeto.

  • * Tumawag sa customer service para sa mga katanungan tungkol sa pag-login sa Direct Banking Service (online banking).

Sa mga customers na nakatanggap ng e-mail
『Tungkol sa pagbubukas ng account na mayroong International Money Transfer Service』

Aabisuhan namin ang mga customers sa pamamagitan ng e-mail para sa hindi nakapasa sa aplikasyon gamit ang mobile app at website sa pagbubukas ng account na mayroong International Money Transfer Service. Maaring tingnan sa ibaba ang detalyadong dahilan ng mga kakulangan.

Mail Title Title Number Mga detalye ng dahilan para sa kakulangan
【セブン銀行】海外送金サービス
一体型口座開設に関するご案内
(9language)
( 001 ) Ipagpaumanhin po ninyo ngunit bilang resulta sa pagsusuri, hindi namin matanggap ang inyong aplikasyon. Ang mga detalye tungkol sa mga nilalaman ng pagsusuri ay hindi namin masasagot.
( 002 ) Ayon sa nilalaman ng inyong aplikasyon, mayroon ka nang Savings account. Isang account lamang kada isang tao ang aming tinatanggap. Hindi na maaring mag-panibagong aplikasyon.
Para sa mayroong Sevenbank account, Maaaring magpatuloy sa Direct Banking Service para sa aplikasyon ng International Money Transfer Service.
Kung hindi alam na mayroon ka nang account, maaaring makipag-ugnay sa Sevenbank.
( 003 )

Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagproseso ng inyong aplikasyon dahil ang impormasyon na inyong inilagay ay hindi tumutugma sa detalye ng inyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
Maaaring suriin ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at mag-apply muli.

Suriin (Kumpirmahin ang mga nilalaman sa ibaba)
Pangalan・Tirahan・Araw ng kapanganakan
  • Ang inyong kasalukuyang Pangalan, tirahan at araw ng kapanganakan ay dapat na maayos na nakasaad sa dokumento ng pagkakakilanlan.
  • Hindi nag-aaply sa iyong lumang Pangalan at tirahan.
  • Nailagay ang tamang Pangalan, tirahan at araw ng kapanganakan sa iyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
    (Para sa Driver's license, posibleng mag-apply kung ang bagong tirahan ay nakarehistro sa likuran.)
Nationalidad・Iba pa
  • Piliin ang tamang nasyonalidad na kapareho sa mga dokumento ng pagkakakilanlan.
  • Kapag Foreign National, dapat na higit pa sa 6 na buwan pagkatapos ng pagpasok sa bansa.
Pangalan ng tagapagpadala
  • Ilagay ang parehong impormasyon ng tao na may-ari ng account.
  • Hindi dapat ilagay ang eksaktong parehong impormasyon sa iyong First, Middle at Last name.
  • Nailagay ang tamang First, Middle at Last name tulad ng inilarawan sa iyong mga dokumento sa pagkakakilanlan.

* Kung ang nasa itaas ay hindi nalalapat, maaaring kumpirmahin din ang impormasyon sa ( 005 ).

( 004 )

Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng account sa kadahilanang may kakulangan tungkol sa impormasyon ng receiver na iyong inilagay o hindi nito natugunan ang mga alintuntunin at kundisyon ng aming kumpanya.
Maaaring suriin ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at mag-apply muli.

Suriin (Kumpirmahin ang mga nilalaman sa ibaba)
Impormasyon ng beneficiary.
  • Hindi dapat ilagay ang parehong impormasyon sa First, Middle at Last name ng beneficiary.
  • Ang relasyon sa beneficiary ay dapat na tama.
    (Ang mga karaniwang pagkakamali ay 『Mga kaso kung saang ang relasyon ay ang may-ari ng card ngunit ang pangalan ay naiiba』,『Mga kaso kung saan iba ang relasyon ngunit ang pangalan ay kapareho sa may-ari ng card.』)
Pagkunan ng Pondo
  • Kung ang pinili ay iba, ang mga detalye ay dapat na ipasok nang tama.
    (Ang mga karaniwang pagkakamali ay mga kaso kung saan naipasok ang pera, benta, mga detalye ng iba bukod sa mga mapagkukunan ng pagpopondo.)
Layunin ng pagpapadala
  • Hindi dapat ilagay ang mga detayle tungkol sa mga layuning pagkalakalan o pamumuhunan, pagpapadala ng pera ng ibang tao at kung anupaman maliban sa mga hangarin sa pagpapadala.
( 005 )

Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng account sa kadahilanang ang mga dokumento ng pagkakakilanlan (ID) na inyong ibinigay ay hindi natugunan ang mga alintuntunin at kundisyon ng aming kumpanya. (kabilang na ang malabong kopya ng imahe)
Maaaring suriin ang sumusunod na impormasyon sa ibaba at mag-apply muli.

Suriin (Kumpirmahin ang mga nilalaman sa ibaba)
Pangalan・Tirahan・Araw ng kapanganakan
  • Tama ang inilagay na impormasyon (walang pagkakamali sa spelling or notasyon)
  • Para sa mga Japanese citizen, hindi inilagay ang Alphabet name sa pirmahan.
Dokumento ng pagkakakilanlan
  • Ang mga kinakailangan tulad ng Pangalan, tirahan, araw ng kapanganakan, expiration date, selyo ng nagbigay at ang My Number ay dapat na kumpleto (Kasalukuyang may bisa).
  • Kung mayroong Expiration date, siguraduhin na hindi ito lalagpas sa Expiration date (Para sa Residence Certificate, nasa loob ng tatlong buwan mula sa pagkula)
  • Hindi dapat magkaroon ng pagkukulang sa inyong dokumento ng pagkakakilanlan at pagkukulang sa pag-upload.
  • Ang mga detalye sa naiupload na dokumento ng pagkakakilanlan ay dapat malinaw na nababasa.
  • Kailangan makita ang kabuuan ng dokumento ng pagkakakilanlan (Hindi dapat putol)
    * Lalo na sa kaso ng Residence Certificate, kumpirmahin na ang kabuuang papel ay malinaw.
Pangalan ng tagapagpadala
  • Ilagay ang parehong impormasyon ng tao na may-ari ng account.
  • Nailagay ang tamang First, Middle at Last name tulad ng inilarawan sa inyong mga dokumento ng pagkakakilanlan.
Nationalidad・Iba pa
  • Tama ang inilagay na nasyonalidad.
( 006 ) Hindi namin maaring ipagpatuloy ang pagbubukas ng account sa kadahilanang mayroong ilang impormasyon na inyong inilagay ay hindi sapat.
Maaaring kumpirmahin ang lahat ng impormasyon sa (002) ~ ( 005 ) sa itaas at mag-apply muli.
  • * Para sa magpapadala sa bank account ng China o Pilipinas, suriin ang listahan ng tagatanggap na banko at ihanda ang mga sumusunod 1) Pangalan ng Banko 2) Account Number 3) Numero ng telepono ng beneficiary na nagsisimula sa 1 (for China only).
  • * Ang Apple, Apple logo, iPhone ay mga trademark ng Apple Inc. sa Estados Unidos o ng mga ibang bansa at rehiyon.
  • * Ang trademark ng iPhone ay ginagamit sa ilalim ng lisensya ng Aiphone Co., Ltd.
  • * Ang App Store ay isang service mark ng Apple Inc.
  • * Ang IOS ay isang trademark o rehistradong trademark na nasa ilalim ng lisensya ng Cisco sa Estados Unidos at iba pang mga bansa.
  • * Ang Android, Google Play at ng may logo ng Google Play ay mga trademark ng Google LLC.