Mga pointers kapag nag-a-upload ng mga dokumento
Mga tips sa pagkuha ng litrato ng ID
- Gumamit ng background na may kulay at litratuhan ang ID sa maliwanag na lugar.
- Siguraduhin na nakikita ng malinaw ang buong image at mga nakasulat dito, upang ito ay mabasa ng maigi.
- Dapat nababasa ng maliwanag ang name, address at birthdate. (Kailangan na ang detalye ay katugma sa iyong inirehistro)
Halimbawa ng mga kadalasang pagkakamali.
Kailangang mong mag-apply muli, kapag may mali katulad na nasa ibaba.
✕Malabo ang ID
✕Malabo dulot sa repleksyon ng ilaw.
✕Putol na pagkakuha ng litrato ng ID
✕May anino sa litrato
Dahil sa may kulay na background ng My Number card, mahirap basahin ang address at pangalan. Kaya mag-ingat sa paglitrato ng ID upang maiwasan na ito ay lumabo at magka-repleksyon.
Mga tips sa pagsubmit ng photo ng ID
- 1.Kailangan na tugma sa ID o dokumento ang detalye ng address at name sa iyong nirehistro.
- 2.Kung mayroong petsa ng pag-expire, dapat itong nasa loob ng panahon ng bisa (sa kaso ng isang residence certificate, dapat itong nasa loob ng 3 buwan mula sa petsa ng pag-isyu).
- 3.Kung nagbago ang iyong address o name, dapat mayroong opisyal na selyo ng seguridad o selyo ng pamahalaang munisipyo.